Tuesday, June 14

my best 'Patama' lines... :)

Reactions: 
‎Our best "patama" line for the boys..


"Babae kami.. Dapat samin nilalambing, minamahal at iniintindi..
Hindi kami pinipikon, inaasar, ginigisa at pinapagalitan sa marahas na paraan.
Itatak mo sa isip at puso mo na ang babae, kahit anong ikot at baligtad ng mundo, babae pa rin.
At ang babae dapat tinitreat sa pinaka-special na paraan..
Kahit sino pa s'ya..
Kahit ano pa itsura n'ya.."




...and their best "patama" line for us.. [hmmp! :)]

"Sana hindi sa lahat ng pagkakataon, biro ang turing ninyo sa bawat salitang sinasabi namin. Mas madalas kasi sa hindi, dinadaan na lang namin sa tawa ang lahat, sa biro ang bawat bagay na gusto naming iparating kapag pakiramdam namin ay hindi ninyo tatanggapin yun. Tagos sa puso namin ang bawat effort na ibinibigay namin para maging masaya kayo pero parang ang dali dali sa inyong wag bigyan ng value yun. Korni man at mdramang pakinggan pero yun ang totoo.
Masakit din kapag pabago-bago kayo ng isip, yung tipong ngayon, oo, mamaya hindi na. Hindi namin alam kung saan lulugar, parang palaging dapat kami ang umintindi na ganun talaga ang nature ninyong mga babae - ang maging unstable ang utak.
Walang masama kung hindi ninyo sasabihin na lahat ng lalake ay hindi seryoso. Kasi hindi naman totoo yun. Siguro nga karamihan sa amin ay maloko at babaero. Pero kapag nagmahal kami, totoo yun. At kapag kami, nasugatan, matagal bago maghilom."


sakit.. :'(

0 comments:

 

Reverie.. Template by Ipietoon Blogger Template | Gadget Review